Paano magsimula?

Bago ka mag apply ng trabaho, importante na malaman mo ang mga dapat mong dalin sa pag aaply, mga impormasyon na kailangang matapos o magawa para sa aplikasyon ng trabaho, paano maghanda para sa face to face interview, at ang mabisang paraan matapos makapag apply mg trabaho.

Eto ang step-by-step guide na kelangan mong malaman para sa pag aapply ng trabaho.
1. Gumawa ng Resume 
                                Sample only
         Ang resume ay ang kabuuang detalye ng iyong trabaho,  impormasyon mo, at iyong mga napag aralan. Tinitignan ng Employer ang iyong resume para malaman nila ang iyong detalye kung nag mamamatch ito sa kanilang kwalipikasyon sa isang posisyon. Kaya kinakailangan na dapat ang resume ay maayos na nag rerepresent ng iyong buong kakayahan at pagkatao.
2. Uri ng trabaho
        Kailangan mong malaman kung anong uri ng trabaho ang iyong pag aaplayan. Suriin mong mabuti kung ikaw ba ay may kaalaman sa iyong napiling trabaho. Maaari ka ding maghanap ng dagdag kaalaman tungkol sa trabaho at posisyon na iyong napili. Mga impormasyon kagaya ng klase ng trabaho, oras ng paggawa at ang impormasyon ng kumpanyang pagpapasukan.
3. Tamang kasuotan
        Dapat mong malaman na may mga damit na nararapat isuot sa paghahanap ng trabaho. Sa pagaaplay, "Business casual attire" ang mas mainam gamitin. Napaka importante na dapat malinis at maayos ang pananamit ng isang aplikante. Gayon din ang sarili, kailangan na malinis, nakapa ligo at nakapag ahit ng maayos. Kailangan maging malinis mula taas hangang baba.
Iwasang magsuot ng short, pantalong butas butas, sando, tsinelas o kasuotang pambahay. Isaalang alang na ang kalinisan at ang unang impresyon ay mahalaga para sa employer.
4. Paghahanda para sa "Job application"
      Sa pag aplay ng trabaho, may mga application form na kinakailangang kumpletuhin. Kinakailangan na kung ano ang nakasulat sa iyong resume ay hindi naiiba sa iyong tataposing application form. Ginagawa ito ng mga employer para sa karagdagang impormasyon at makita nila kung ikaw ba mismo ang gumawa ng iyong resume. Dapat na taposin mo ito ng Maayos at tama ng walang mali dahil isang beses lang ito ibibigay sa iyo.

5.Paghahanda sa "on the spot interview"
      Sa lahat ng trabaho, di na mawawala ang on the spot interview. Ginagawa ito ng employer para mapabilis ang proseso ng pagtanggap ng mga aplikante. Sa isang interview, kailangan lagi kang handa ano mang oras. Kailangan mong sagutin ang aga katanungan ng Employer ng deretso at walang paligoy ligoy. Sa isang katanungan, kailangang 2-3 talata lamang ang iyong sagot na naglalaman ng buong detalye. Iwasang magkwento dahil maari itong makasama sa iyong kwalipikasyon. Marapating sagutin na lamang ito ng simple at kung ano ang nasa isip mo.
 Sa isang interview, iwasang matakot upang makapag isip ka ng maayos at maihanda ang sarili. Ito ang ilang mga katanungang maaari itanong sayo.
*Tell me about your self?
*Bakit ka nag applay dito?
*Bakit kailangan ka namin tanggapin?
*Ano ang iyong kahinaan at kalakasan?
*Ano ang alam mo sa trabahong iyong napili?

6. Pagigingmapagkumbaba.
     Kailangan mong malaman na ikaw ay aplikante at kailangan mo ng trabaho. Nararapat lamang na maging mapagkumbaba ka at mabait sa simula hangang sa matanggap ka. Isa sa pinakamahalagang factor na hinahanap ng isang Employer ay ang may tama at wastong pag uugali. Kaya iwasang magmasungit sa kapwa aplikante, staff at sa Employer.


Eto ang mga basic na dapat mong matutunan. Muli maraming salamat sa pagbibigay ng oras dito at naway nakatulong ito sa inyo.

Comments